United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Salamat, pó, ang ulit ni cabezang Dales,salamat, pó, at co,i, inaaralan ninyo,t, hina, hatulan nang magagaling; datapoua,t, cundi icagagalit nang aquing Panginoon, ay mayroon, pó, acong sasabihin sa inyo. Hindi, ang banayad na sagot nang aming Cura, hindi aco magagalit: caya magsabi ca nang balang maguing calooban mo, at sasagutin co nang macacayanan co.
Cun man~gan~garal sa capoua tauo, ay babanayarin ang sabi, houag gagahasain, at itama sa oras na mamatamisin sa loob, at di ang sino ma,i, macapan~gan~garal sa caniyang capoua, cun di ang may carapatan, caya bagay-bagay ang man~gan~garal at inaaralan, at ibagay naman sa panaho,t, oras, sapagca,t, cun di magcabagaybagay, ay di macagagaling cun di macasasama ang bibitiuang aral.