United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang isang gamot naman, na totoong galing sa galis, ay gayon: Ang timbang apat na pisong dahon at san~ga nang damong pinan~gan~ganlang sangdicquit ay ilaga mo nang isang oras calauon sa apat na botella at calahating tubig, sampon nang timbang apat na piso rin dahon nang culutan, at siya ang ibabasa mong mainit-init sa galis, na macalaua maghapon, pag pinurga muna ang maysaquit, at sa loob nang ilang arao ay mauauala ang galis.
Cun siya,i, pinalo, ó tinamaan nang bato, ó nahulugan nang anomang mabig-at, ó sinicaran nang cabayo, at uala siyang magamit na gamot doon sa oras na yaon, pagcaraca siya,i, umihi ang caniyang ihing mainit ay ibabasa nang ibabasa sa lugar na nasactan; at cun minsan pati saquit ay mauauala pagca guinauang tambing yaon.
Cung malaqui ang saquit nang binubulutong, ang man~ga mata,i, nagsasara at ang bagay roo,i, ang gatas na tinubigan na ibabasa roong parati; maigui rin cun minsan ang basain nang tubig na pinagbabaran nang casubha, ó bulaclac nang alagao.