United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !
At pinasimulang paluin n~g marahan ang waláng ano mang takip na m~ga paa n~g ul-ol na babae, hanggáng sa magcan~giwin~giwi ang pagmumukha nito sa sakít, na anó pa't pinilit niyáng magsanggalang n~g m~ga camáy. Sumigaw ang cahabaghabag na babae n~g isang daing sa sakít, at dalidaling itinaas ang paa. ¡Sasayaw ca ba, p-india? ang sinasabi n~g guinoong babae, at tumutunog at humahaguinit ang latigo.
Malicsíng lumacad si Basilio, bagá man may tali ang canyáng binti. Humahaguinit ang han~ging sa labás at nan~gán~galigkig sa guináw ang m~ga tagá San Diego.