United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang magasawa naman ni matandang Taciong Bakal sampon ni Juang Hanipol ay hindi magkangmamayaw n~g pagtatawanan, dahil sa m~ga nangyaring yaon.
Hindi; talagang balis ito, kaya ganito katigas ang tian ko parang bato!... anang matanda.... Ang isa sa m~ga kasama ay pagkadinig n~g wikang "balis" ay nagmungkahing umalis na sila at baka mahawa, di umano, samantala'y inanyayahan sila ni Juan Hanipol n~g hitso't sigarilió. Ilang sandalî ay ga tumahimik ang may sakit, at na katulog.
Noon ay panahong lumipas, n~guni't hangan n~gaio'y naaalaala pa n~g marami sa atin, na, si Juan Hanipol ay isang binatang may hilig na totoo sa pag anting anting. Si matandang Taciong Kabál ó Bakal ay isang magaling na lalaki, at balitang tulisan noong m~ga dakódakong panahon, n~guni't matagaltagal nang na nanahimik at bagama't matanda na'y nagsasaka pa sa kaniang bukid.
N~gaion ay kilalá sia sa pook na yaon, na isang matandang masipag at sistidor, kaya kung tawagin ay si Matandang Taciong Sistidor. Minsang araw ay nag sadya sa bahay nia si Juang Hanipol, ang binatang nag hahanap n~g galing ó anting-anting. Ako po Lelong ay naparito, na ang tanka ko'y mag puló n~g kaunting kasangkapang mabuti sa katawan. Anong ibig mong kasangkapan?
Salita Ng Araw