United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi binigyan n~g panahon ni doña Victorinang macapagbuntong hinin~ga; sa maicling salita'y sinabi niya ang lahat n~g nangyari, sa macatuwid baga'y pinagsicapan niyang sabihing siya ang sumasacatuwiran. Hahamunin siya n~g away ni Linares ¿naririn~gig po ba ninyo? Sacali't hindi, ¡huwag po ninyong bayaang pacasal sa inyong anac, huwag po ninyong ipahintulot!
Si Maria Clarang nacahilig sa isang sillon sa guitna n~g m~ga unan at m~ga cumot na lana ay malaki ang ipinagtaca n~g canyang makita ang bagong pagmumukha n~g canyang doctor. Pinsan, ani doña Victorina, hahamunin mo n~g away n~gayon din ang Alférez ó cung hindi.... ¿At bakit? ang tanong ni Linares na nagtataca.
Siya'y hahamunin mo n~gayon din n~g away ó cung hindi sasabihin co sa canilang lahat dito cung sino icaw. ¡N~guni't doña Victorina! Nan~gagtin~ginan ang tatlong magcacaibigang babae. ¿Ano ba sa acala mo? Cami'y linait n~g alferez at canyang sinabi na icaw raw ay icaw! ¡Nanaog ang matandang babaeng asuang na may dalang latigo, at ito, ito'y nagpabayang siya'y muramurahin ... isang lalaki!