United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sacerdote n~g isáng Dios n~g capayapaan, puspós ang bibig mo n~g cabanalan at religión, at ang puso'y punô n~g m~ga carumhán, ¡hindî mo marahil nálalaman cung anó ang isáng amá!... ¡cung guinugunitâ mo sana ang iyóng amá! ¿Nákita mo na? Sa guitnâ n~g caramiháng iyáng pinawawalan mong halaga, ¡walâ cahi't isá man lamang na catulad mo! ¡Nahatulan ca na!
Canyáng guinugunitâ ang táong nagbucás n~g canyáng pag-íisip at nagpakilala sa canyá, n~g magalíng at n~g nasacatuwiran. Tunay n~ga't cácauntî ang m~ga caisipáng sa canyá'y iniaral, n~guni't hindî ang m~ga waláng cabuluháng pag-ulit lamang n~g m~ga sinabi n~g ibá; pawang m~ga caisipáng galing sa pananalig na hindî nan~gagculabô sa liwanag n~g lalong matitindíng ílaw n~g dakilang pagsulong.
Salita Ng Araw