United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sa inang say say cay Julietang isip n~g mapag-isa na balisa'y cumapit, sa gayo-y pag-uari n~g hindi mapacnit salas n~g umpucan nasoc naquipanig. Arao man din siyang sa dilim sumicat ang tanang inabot nalihi n~g dilag, sa m~ga lalaqui umiral ang galac, n~gunit sa babayi pan~gimbulong palad.
Cahimat sa gayo-y di anyong causap Benvolio'y naguica sa pinsan niang uagas, aniya, ¿"baquit caya cung gayo,y sa han~gad ayao pahinuhod sa aquing hicayat? "¿Di baga, sinunod, ang sucat malirip tauo'y capag hirap ang nasang magahis, sa balang toui na apuhap sa isip ang acmang paraang sucat ipagcamit?"
Dapuat si Romeo'y sa gayo-y lumahoc hindi minarapat n~g matimping loob at ang minagaling sumandal sa suloc na naca-catapat Rosalinang irog. Mulá doo'y caniyang linalasap isip catamisang handog sa isang ni-nibig n~g larauang sinta habang na sa titig dinadaloc uari bagcus nasa-sabic.
Salita Ng Araw