United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nan~gagtátayô sa m~ga daán, sa láyong hálos nagcacatuladtulad, n~g maiinam na m~ga arcong cawayang binurdahan sa libolibong paraang tinatawag na "sincában", at naliliguid n~g m~ga caluscós, na makita lámang n~g m~ga bata'y nan~gagsasayahan na.
Pagmasdán po ninyó ang m~ga pamahayagan man, cahi't ibiguing magpacátiratira sa cahulihulihan, gayón ma'y humáhacbang n~g isá sa pagsulong n~g laban sa canyáng calooban; hindi macatacas sa pagtupad sa ganitóng atas ang m~ga dominico man, caya't caniláng tinutularan ang m~ga jesuita, na cánilang m~ga caaway na cailán ma'y hindi macacasundô: gumágawâ silá n~g m~ga casayahan sa caniláng m~ga claustro, nan~gagtátayô n~g m~ga maliliit na m~ga teatro, nag-áanyô-anyô n~g m~ga tulâ, sa pagcá't palibhasa'y hindi silâ culang sa catalinuhan, bagá man ang boong isip nilá'y nan~gabubuhay pa silá sa icalabinglimáng siglo, napagkikilala niláng sumasacatuwiran ang m~ga jesuita, at silá'y makikialam pa sa daratníng panahón n~g m~ga batang bayang caniláng tinuruan.