United States or Hong Kong ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hating gabi, madilim, ang m~ga dahon n~g halaman ay nan~gakayuko, ang m~ga ibon ay di man lamang humuhuni, sa m~ga hayop mula sa kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putól na un~gol man lamang, ang m~ga ka-awa-awang mangagawá sa paghanap n~g ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang nan~gagpapahin~galay, ang m~ga hapó at n~galáy nilang bisig sa pag-gawá ay inihahanap n~g panibagong lakás, lahat ay tahimik at waring ipinaghehele n~g m~ga walang patlang at malalaking patak n~g ulan, n~gunit, sino yaon?....... isang maitim na aninong naglalagos sa isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong kalaliman n~g gabi! sino?...... Pumasok sa isang bakuran, yumuko at sumoot sa silong na pantay balikat n~g isang bahay na may pangkaraniwang laki.
"Ikinagagalak ko po ang pagkakilala sa bantog na violinista, ang tugon niya sa akin na sinabayan nang isang titig na kinapapalooban ng boong kabuhayan at pag-giliw. "Matapos ang pananghalian, at sa mga sandaling nan~gagpapahin~ga ang mga masambahin kay Terspcicore, ang tanang panauhin ay nan~gagkaisa ng paghin~gi nila na tugtugin ko ang isa sa aking maririkit na tugtuguin.