United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Dito ang m~ga babae, diyán ang m~ga lalaki! ang sabi n~g m~ga iná paglulan nilá sa bangcâ. ¡Man~gátali cayó! ¡Howag sana cayóng lubháng magaláw at málulubog tayo! ¡Man~gagcruz muna cayó! ang sabi ni tía Isabel na nagcucruz. ¿At tayo ba'y man~gag-íisa lamang dito? ang tanóng ni Sínang, na pinasásama ang mukhâ ¿Tayo ba lamang ...? ¡Aráy!
¡May isáng nagbigtí sa halamanan n~g capit-bahay! ang sabing humihin~gal. ¡Isáng nagbigtí! ang bigláng pinagsabihanan n~g lahát na puspós n~g agám-ágam. Nan~gagcruz ang m~ga babae; sino ma'y waláng nacakilos sa kinálalagyan.