United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na cun siya'i, dumating na sa cahoy ay magcacantá, at ang gabi'i, malalim na ualang malay cahit isá. At cun yao'i, matapos na nang caniyang pagcacantá, pitó naman ang hichura balahibong maquiquita. Ay nang iyong matagalán pitóng cantang maiinam, quita ngayon ay bibiguian nang maguiguing cagamutan. Naito at iyong cuha pitóng dayap at navaja, ito'i, siyang gamót bagá na sa ibong encantada.
Caya bunsó hayo ca na at ang gabi'i, malalim na, at malapit nanga bagá dumating yaóng Adarna. Yáo nanga si don Juan sa Tabor na cabunducan, at caniyang aabangan ang ibong pinag-lalacbay. Nang siya'i, dumating na sa puno nang cahoy bagá doon na hinintay niya yaon ngang ibong Adarna. Ay ano'i, caalam-alam sa caniyang ipaghihintay, ay siyang pagdating naman niyaong ibong sadyang mahal.