United States or Cabo Verde ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya bunsó hayo ca na at ang gabi'i, malalim na, at malapit nanga bagá dumating yaóng Adarna. Yáo nanga si don Juan sa Tabor na cabunducan, at caniyang aabangan ang ibong pinag-lalacbay. Nang siya'i, dumating na sa puno nang cahoy bagá doon na hinintay niya yaon ngang ibong Adarna. Ay ano'i, caalam-alam sa caniyang ipaghihintay, ay siyang pagdating naman niyaong ibong sadyang mahal.

May dinatnang landás siya mataas na pasalungá, tumahan capagcaraca itong príncipeng masiglá. Sa masamáng capalaran sa Dios na calooban, nang dumating sa ibabao cabayo niya'i, namatáy. Di anong magagaua pa uala nang masac-yán siya, ang bastimento'i, quinuha at lumacad capagdaca. Sa Dios na calooban na sa tanong bininyagan, dumating siyang mahusay sa Tabor na cabunducan.

Sa Tabor na cabunducan ang siyang quinalalaguian, cahoy na hinahapunan Piedras Platas ang pangalan. Cun arao ay uala roon itong encantadang ibon, sa iba sumasalilong at nagpapaui nang gutom. Cun gabing catahimican ualang malay ang sino man, ay siyang pag-oui lamang sa Tabor na cabunducan. Cayá mahal na monarca yao'i, siyang ipacuha, gagaling pong ualang sala ang saquít mong dinadalá.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap