United States or Bulgaria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang caunaunaha,i, baual ang lahat na man~ga libro sa Santong Casulatan na inihulog nang man~ga ereje sa uicang castila, cun sa uicang tagalog, cun sa alin mang uica; cun sacali,t, cristiano man ang maghulog ay cun ualang pahintulot ang man~ga Puno . Caya n~ga ang lahat na man~ga libritong han~go sa santong Sulat sa bagong Testamento, na ipinagcacalat na limbag sa Oxfort at sa Hong-kong sa uicang castila at cung magcabihira,i, sa tagalog, ay pauang =baual=; sampon niyang man~ga Evangeliong uicang castila cun tagalog caya, na iniin~gatan nang marami, cun isinasabit sa liig na parang anting-anting, ay =baual= din naman.
At ang may catha noon, ang =Dr. Rizal= baga, cun taimtim sa caniyang loob ang man~ga sinulat niya sa nasabing libro at hindi pa niya pinagsisisiha,t, tinatalicdan, ay dapat na ariin siyang =tacsil= at =tampalasan sa Dios, ereje= at =excomulgado=.