United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Casangcapang gamit ay napacainam guintó na at pilac sino caya naman, aling tauo rito sa mundong ibabao macapag gagayác casangcapang ganyan. Cundan~gan ang ito,i, may iuing encanto na pinagcucunan nang lahat nang ito, ang uica nang hari ay tila n~ga totoo sa encantong laláng cayamanang ito.
Salitaan nila,i, cayamanang iyan ang pinangalin~ga,i, sa encantong laláng, alin caya baga sa mundong ibabao ang magcacaroon nang ganitong bahay. Man~ga cagayaca,i, nanglalong totoo sa mundong ibabao ualang capareho, nan~gapapamuti mutyá at carbungco rubí,t, esmeralde sa ningning ay husto.
Yaong encantong laon na ay inalis capagdaca, yaóng batóng balót nila nagsilitao na lahat na. Ang lihim na iningatan nang hari nilang magulang sa panahóng ito naman ay caniyang inalitao. Ang tigre't, león sa parang at tauo sa caharian, sila'i, nangagsipaluál sa balát cayong catauan. Nang, mangyaring malabas na ang tauo ay cumapal na, nagpahanda nang lamesa itong si doña María.
Salita Ng Araw