United States or Tajikistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nanicluhód si tía Isabel at umiiyac at dinárasal ang kyrie eleyson; dalá ni capitán Tiagong namúmutlá't nan~gán~gatal sa isáng tenedor ang atáy n~g isáng inahíng manóc at inihahaying tumatan~gis sa Virgen sa Antipolo; punongpunô ang bibig ni Linares at nacasandata n~g isáng cuchara; nan~gagyacap si Sinang at si María Clara; ang tan~ging hindi nananatili sa hindi pagkilos ay si Crisóstomo, na hindi maisaysáy ang canyáng pamumutlá.
¡Padre cura, halí cayó! ¡Walâ nang sucat icatacot! ang ipinatuloy na sigáw n~g alférez. Sa cawacasa'y minagalíng ni fray Salving namúmutlâ, na lumabás sa canyáng pinagtataguan at manaog sa hagdanan. ¡Pinatáy n~g m~ga tulisán ang alférez! ¡María, Sinang, pasá cuarto cayó, trangcahán ninyóng magalíng ang pintô! ¡Kyrie eleyson!
Salita Ng Araw