United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkatapos naman nito ay dumadampot ang isang matandang babae n~g isang copang alak at iniaalay sa kanyang kasayawan, at habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pagsasaysay sa araw ay makaapat ó makalimang iniuukmang iinumin ang alak at habang ginagawa yaon ay iniwiwisik ang alak sa pusò n~g baboy.
Ang isa namang matandang babae ay dumadampot n~g isang dahon n~g palma at gaya rin noong isa na sumasayaw at humihihip n~g kanyang pakakak. Ang pagsayaw nilang ito at paghihip n~g kanilang m~ga pakakak ay nagluluat n~g kaonti at kanilang sinasabayan n~g pagsasaysay sa araw n~g sarisaring bagay.