United States or Bulgaria ? Vote for the TOP Country of the Week !


Isáng mapangláw na landás na bahagyâ na nabucsán sa casucalan ang pinagdáraanang patun~ sa isáng bátis, na ang tubig na umaagos doo'y gáling sa iláng bucál n~g malacúcong tubig, tulad sa m~ga na sa taguiliran n~g Makíling. M~ga bulaclác na cusang sumisibol na ang marami sa canila'y hindî pa napapan~galanan, ang siyang pamuti n~g m~ga pangpang n~g batis na iyón; n~guni't marahil ay kilalá na n~g m~ga doradong maliliit na háyop, n~g m~ga paróparóng sarisarì ang lalakí, at may m~ga cúlay na azúl at guintô, mapuputî at maiitím, sal-it sal-ít na cúlay maniningning, makikintab, may m~ga tagláy na m~ga rubí at m~ga esmeralda sa caniláng m~ga pacpác, at n~g m~ga libolibong m~ga tutubíng cumikinang n~g tulad sa metal, at wari nasasabugan n~g totoong mataas na guintô. Ang tunog n~g pagaspas n~g m~ga maliliit na m~ga hayop na ito, ang irit n~g yayay na nag-iin~gay sa araw at gabí, ang huni n~g ibon, ó ang lagapák n~g bulók na san~ga n~g cahoy na nahuhulog at nagcacasabitsabit sa lahat n~g lugar ang siyang tan~ging sumisir

At n~gumín~giting idinagdág; "Nan~gagaisiparito silá sa paghanap n~g guintô; ¡man~gagsiparoon namán cayó sa caniláng lupaí't hanapin ninyó roon ang ibáng guintóng ating kinacailan~gan! Alalahanin mo, gayón mang hindî ang lahát n~g cumíkinang ay guintô. Namatáy riyán ang paring iyón."

Marubdob at masilacbó ang pananalita ni Elías; nagniningning ang canyang m~ga mata, at tumataguinting ang canyang tinig. Sumunod ang isang dakilang sandali na hindi pag-imic n~g dalawa: tila nananatiling tahimic sa ibabaw n~g tubig ang bangcang hindi pinasusulong n~g sagwán; dakilang lumiliwanag ang buwan sa isáng lan~git na zafir; may ilang ilaw na cumikináng sa dacong malayò sa pampang.

Humintô si Elías at nag-isíp-ísip. Malayò pa ang tabí at silá'y marárating n~g bala n~g m~ga fusíl n~g falúa. Inacalang magbalíc sa Pasig; lalong matúlin ang canyáng bangcâ cay sa falúa. N~guni ¡laking casamáng palad! nakita niyáng nanggagaling sa Pasig ang isáng bangcâ at námamasdang cumíkinang ang m~ga capacete at m~ga bayoneta n~g m~ga guardia civil. Húli na tayo, ang ibinulóng na namúmutlâ.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap