United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isáng mapangláw na landás na bahagyâ na nabucsán sa casucalan ang pinagdáraanang patun~gó sa isáng bátis, na ang tubig na umaagos doo'y gáling sa iláng bucál n~g malacúcong tubig, tulad sa m~ga na sa taguiliran n~g Makíling. M~ga bulaclác na cusang sumisibol na ang marami sa canila'y hindî pa napapan~galanan, ang siyang pamuti n~g m~ga pangpang n~g batis na iyón; n~guni't marahil ay kilalá na n~g m~ga doradong maliliit na háyop, n~g m~ga paróparóng sarisarì ang lalakí, at may m~ga cúlay na azúl at guintô, mapuputî at maiitím, sal-it sal-ít na cúlay maniningning, makikintab, may m~ga tagláy na m~ga rubí at m~ga esmeralda sa caniláng m~ga pacpác, at n~g m~ga libolibong m~ga tutubíng cumikinang n~g tulad sa metal, at wari nasasabugan n~g totoong mataas na guintô. Ang tunog n~g pagaspas n~g m~ga maliliit na m~ga hayop na ito, ang irit n~g yayay na nag-iin~gay sa araw at gabí, ang huni n~g ibon, ó ang lagapák n~g bulók na san~ga n~g cahoy na nahuhulog at nagcacasabitsabit sa lahat n~g lugar ang siyang tan~ging sumisir