United States or Syria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Marubdob at masilacbó ang pananalita ni Elías; nagniningning ang canyang m~ga mata, at tumataguinting ang canyang tinig. Sumunod ang isang dakilang sandali na hindi pag-imic n~g dalawa: tila nananatiling tahimic sa ibabaw n~g tubig ang bangcang hindi pinasusulong n~g sagwán; dakilang lumiliwanag ang buwan sa isáng lan~git na zafir; may ilang ilaw na cumikináng sa dacong malayò sa pampang.
Numíningning pa ang m~ga bituin sa lan~git "zafir", at nan~gagugulaylay pa ang m~ga ibon sa m~ga san~gá n~g cahoy, ay nan~gaglilibot na sa m~ga lansan~gan n~g bayang ang tun~go'y sa dagatan, ang isang masayáng cawang naliliwanagan n~g nacagagálac na liwanag n~g m~ga huepe.
Salita Ng Araw