United States or Réunion ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saca tatlong damang pulós magaganda magsisilbi yaon sa aquing asaua, ang lahat nang ito,i, ganaping dali na cami,i, nagugutom ibig cumain na. Nasunod na paua man~ga cagustuhan na isang comidang hustong cagayacan, conforme ang hin~gi guinanap na tanan batóng encantado niyang casangcapan.
At saca tinauag anác at asaua halina na cayo,t, tayo,i, hahapon na, nang matingnan yaon na handang comida lalo nang tumangap daquilang ligaya. Namamanghang lubós man~ga calooban ang comidang handa ay napacainam, man~ga gamit ditong man~ga casangcapan ay guintó at pilac na nag quiquinan~gan.
At saca si Juan na canyang esposo humin~gi sa canyang casangcapang bató, n~gayon din aniya,i, dito,i, ihanda mo ang isang comidang sa putahi,i, hustó. Lutong masasaráp ay ilagay agad sa lamesang guintó,t, lagyán nang alfombras, sa alfombrang yaon ay ang nababatbat ay hilo de oro na nag quisáp quisáp.
Salita Ng Araw