United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itó ang dahiláng ipinagcasundò limáng caramdamang parang hinahalò iquinatiuasáy nang may dúsang púsò lumacás na mulî ang catao-ang hapò. Caya,t, nang isabog sa sangsinucuban ang doradong buhóc nang masayang arao nag-ban~gong hinaho,t, pinasalamatan sa Lan~git ang bagong lacás nang catao-an.
Catao-an mo Amai,i, parang namamalas n~gayón nang bunsô mong iugami sa hirap pinipisang-pisang at iniuaualat nang pauâ ring lilong verdugo nang sucáb. Ang nagcahiualay na lamán mo,t, butó, camay at catao-áng nálayô sa úlo, ipinag-haguisan niyaóng mga lilo at ualang maauang maglibing na tauo.
Liuanag nang muc-há,i, ualang pinag-ibhan, cay Febo cong anyóng bagong sumisilang, catao-ang butihin ay timbáng na timbáng at mistulang ayon sa hinhín nang ásal. Sa caligayaha,i, ang nacaca-ayos bulaclác na bagong uinahi nang hamóg, anopa,t, sino mang paláring manoód pátay ó himalâ cong hindî umirog.
At n~gayóng malaqui ang aquing dálitâ, ay dî humahanap nang maraming lúhâ, sucat ang capatác na maca-apulâ cun sa may pag sintang púsò mo,i, mag mulâ. Catao-ang co,i, n~gayón siyasatin, ibig, tigní ang súgat cong dí gauâ nang cáliz hugasan ang dugóng nanálong sa guitguít nang camay co, paa,t, natataling li-ig.
Salita Ng Araw