United States or Mauritania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ñguni,t, sasabihin co, pó, sa inyo, na cung inaabot nang aquing sariling pag-iisip, at sa pinagmamasdan co sa mañga tagarito ma,t, sa taga ibang bayan dito sa habang buhay cong ito,i, tila, pó, aco,i, nasasacatouiran at catotoohanan; caya, pó, hangan macacayanan co, ay pagbabaualan co,t, hindi co, pó, pahihintulutan ang aquing mañga anac, at ibang mañga camag-anac at caquilala, na mag-aral sila nang uicang castila, ó iba cayang carunungang di bagay at ucol sa canilang calagayan at pagcaindio . Ang cauicaan co, pó,i, para nang nariñgig cong madalas sa aquing amba.
Ay ano'i, nang lumalim na hating gabing tahimic na, pinalabas nang princesa carunungang ingat niya. Oras ding yao'i, napatag itong bundóc na mataas, isinabog niyang lahat ang trigong caniyang hauac. Ang isang catacá-tacá, lacás nang májica blanca, bagong isinasabog pa oras ding yao'i, namunga. Nang oras ding yao'i, agád itong trigo ay guinapas, maraming umaalagád oras ding yao'i, nalugas.