United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sagót ni doña María don Jua'i, bayaan mo na, at hindi mahihiya ca doon sa hari cong amá. Saan patutungo naman ang sa haring carunungan, na májica negra lamang ang caniyang tinatangnan. Ang sa cay doña María hauac ay májica blanca, ang dunong nang haring amá ay tinalo nga niya. Ang uica niya, at saysay icao ay magpahingalay, at malaquing iyong pagal sa layo mong pinagmulán.

Ay ano'i, nang lumalim na hating gabing tahimic na, pinalabas nang princesa carunungang ingat niya. Oras ding yao'i, napatag itong bundóc na mataas, isinabog niyang lahat ang trigong caniyang hauac. Ang isang catacá-tacá, lacás nang májica blanca, bagong isinasabog pa oras ding yao'i, namunga. Nang oras ding yao'i, agád itong trigo ay guinapas, maraming umaalagád oras ding yao'i, nalugas.

Yaong tatlong princesa sa haring Salermong bunga, si doña María Blanca, ang matandá sa dalaua. Sunód si doña Isabel parang maningning na garing, si doña Juana'i, gayon din ang tala'i, siyang cahambing. Hayo lacad na don Juan sa reino nang de los Cristal, ipagcacapuri mo naman sa haring iyong magulang. Nang ito ay maringig na nitóng príncipeng masiglá. naualá sa loob niya ang princesa Leonora.