United States or Brunei ? Vote for the TOP Country of the Week !


Maipagcacatiwala ninyong lubos sa akin ang inyong m~ga sulat sa ating m~ga cababayan, at mahigpit na gáganapín co ang bawa't inyong ipag-utos, sucdang aking icabitay. Umalís ca n~gayon din dito, tacsíl na carugô at n~g ca mapahamac. At ipinagtulacan ni Rizal ang taong iyon hangang sa mapanaog sa canyang bahay.

Tayo rin ang may gawa n~g ating m~ga pagdaralita, hwag nating bigyan sala ang sino man cundi linilin~gap at pinababayaang tayo'y apihin n~g calupitan, sapagca't cung makita sana niyang tayo'y nahahandang makitungali at magtiis n~g cahirapan dahil sa pagsasangalang n~g ating catuiran, maniuala cayong ang di dumidin~gig na iyan ang siyang una unang magcacaloob n~g calayaan, datapwa't samantalang hindi tinataglay n~g Bayang Filipinas ang casucatang lacás n~g loob upang isigaw na nacatunghay ang noo at hubad ang dibdib sa canyang carapatang magtamó n~g catuirang makisalamuha sa lahat at papagtibayin ang catuirang iyan n~g canyang sariling dugó; hangang ating nakikitang ang m~ga cababayan nati'y sa sariling calooba'y nagdaramdam n~g hiya at dinirin~gig ang atun~gal n~g tinig n~g masamang budhi na nagn~gin~gitn~git at tumutol na sa hayag ay ayaw umimic at nakikisang-ayon sa nagpapahirap upang cutyain ang pinasakitan at pinarurusahan, samantalang nananatili ang ating m~ga carugo sa tacsil na asal na walang ini-ibig cundi ang sariling cagalin~gan; ¿bakit sila'y bibigyang calayaan?

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap