United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang malápit na siyá sa canyáng báhay ay canyáng natanawan ang m~ga capacete n~g dalawáng sundalong na sa ibábaw n~g bacuran n~g canyáng halamanan. Hindî mangyayaring maisaysay cung anó ang dinamdám n~g canyáng pusó: nalimutan niyá ang lahát. Hindî cailâ sa canyá ang canpan~gahasan n~g m~ga táong iyóng hindî nan~gagpipitagan cahi't sa lálong mayayaman sa bayan, ¿anó cayâ ang mangyayari sa canyá at sa canyáng m~ga anác na pinagbibintan~gan nan~ganácaw? Hindî m~ga táo ang m~ga guardia civil, sila'y m~ga guardia civil lamang: hindî nilá dinírin~gig ang m~ga panghihimanhic at sila'y bihasang macapanood n~g m~ga lúh

Tayo rin ang may gawa n~g ating m~ga pagdaralita, hwag nating bigyan sala ang sino man cundi linilin~gap at pinababayaang tayo'y apihin n~g calupitan, sapagca't cung makita sana niyang tayo'y nahahandang makitungali at magtiis n~g cahirapan dahil sa pagsasangalang n~g ating catuiran, maniuala cayong ang di dumidin~gig na iyan ang siyang una unang magcacaloob n~g calayaan, datapwa't samantalang hindi tinataglay n~g Bayang Filipinas ang casucatang lacás n~g loob upang isigaw na nacatunghay ang noo at hubad ang dibdib sa canyang carapatang magtamó n~g catuirang makisalamuha sa lahat at papagtibayin ang catuirang iyan n~g canyang sariling dugó; hangang ating nakikitang ang m~ga cababayan nati'y sa sariling calooba'y nagdaramdam n~g hiya at dinirin~gig ang atun~gal n~g tinig n~g masamang budhi na nagn~gin~gitn~git at tumutol na sa hayag ay ayaw umimic at nakikisang-ayon sa nagpapahirap upang cutyain ang pinasakitan at pinarurusahan, samantalang nananatili ang ating m~ga carugo sa tacsil na asal na walang ini-ibig cundi ang sariling cagalin~gan; ¿bakit sila'y bibigyang calayaan?

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap