United States or Hong Kong ? Vote for the TOP Country of the Week !
At n~g mauala na sa dugo ang lamig ni Benvolio't siyang naghari ang init, ang panagang sacbat ipinamilantic daglus ang canilang cabig nagsidatig. Naguing cay Benvolio, ang m~ga utusang bahay n~g amaing Montescong maran~gal, saca cay Tibaldo, naqui ayon naman ang cay Capuletong sacop na cadamay.
Nagcataon n~gani sa arao n~g antac sugat ni Romeo sa sintang matalas, sa cay Capuletong palacio'y may gayac piguing na ugaling culang sa magdamag. Bucal n~ga sa puso ang handa't catouaan lalo pang dinalas at pinag-iinam, muláng ang Principe sila hinatulang pagcaliz limutin n~g laong ca-auay.
N~gunit si Montesco't Capuletong ugat na nagpa-pasulong buhay n~g bagabag, dala n~g principe upang sa banayad mapuring pan~garal ay maipatalastas, Ucol n~g lisanin ito at catangcay bacas n~g hilahil ang litao na lamang saca ang ugaling maraming matapang capag natapos na alin mang labanan.
Romeo'y n~gumiting binahirang poot sa pinsang may ya-ya casunod ang sagot: "Capuletong bahay sa sarili'y masoc at sa panaohin aco'y maqui-umpoc?" Benvolio'y, pumac-ling, "hindi sucat tac-han ya-ya co'y cahima't may acalang hadlang, pagcat hindi lin~gid: ang totong cailan~gan ay ualang talagang ley ó catouiran."