United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !
Madai't, salita naman at di co na pahabaan, ay naguing apat na buan pag-lacad niya sa parang. Sa aua nang Vírgen Iná cay don Juan de Berbania, ay dumating capagdaca sa daan na pasalunga. Nang sa príncipeng matignan taas niyong cabunducan, lumuhód siya't, nagdasál sa Vírgeng Ináng marangal. Aco'i, iyong caauaan Vírgeng calinis-linisan, at aquin ding matagalán itong mataas na daan.
»Dahilan sa iyo,i, mapapauing pilit »ang ulap nang ibang sintang maligalig, »lulucso ang diuá, tatahip ang dibdib »sa caligayahan na gauad nang lan~git. »Hangan dito, Ina,t, ticang pagtamanan »pagpuri sa iyong man~ga cagalin~gan; »di linilimot naman ang pag-galang »sa iyong Esposong calinis-linisan.»
Salita Ng Araw