United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't hindi mo ba nakikita iyang malapad na caliskis na nariyán sa tabi n~g tahid? ¿hindi mo ba nakikita ang m~ga paang iyán? ¿anó pa ang ibig mo? ¡Masdan mo ang m~ga hítang iyán, iladlad mo ang m~ga pacpác na iyán! Hindi siyá naririn~gig ni Társilo, ipinagpapatuloy ang pagsisiyasat sa anyo at calagayan n~g hayop; ang calansing n~g guinto't pilac ay dumarating hanggang sa canyang m~ga tain~ga.
Sa guintong calansing may bin~ging matunog: luha'y aapihin, ó bagsic n~g utos, puri ilulugso, ó pabubusabos, buhay man ó caniyang bagay pasasalot. At, aniya sa lupa ¡ó punong pitagan n~g salaping toua, ó lumbay cung minsan, n~g tauo ó bayan, lacas mo'y asahang magbulid sa uala sa di cayang buhay!