United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang m~ga may carapatan cahit ano ang catungculang hinahauacan ay di macapagtataglay nang lalabis sa isang botos, at ang m~ga taga pag usisa at cagauad ang huling pipili sa lahat. Ang Punong nan~gu~guna sa paghahalal ay di bobotos; n~guni't pagnagca patas ay maiquiquiling niya ang caniyang pasiya upang macahiguit ang caniyang magalin~gin.

Cun matapos ang pilian ay bibilan~gin nang Puno at n~g man~ga tagapagsiyasat ang man~ga botos at itititic n~g Cagauad sa casulatan ang ano mang mangyari.

Sa bauat san~ n~g pamamahala sa bayan ay magcacaroon n~g Lugal cagauad na siyang Pan~galauang Puno sa baua't Gauaran; sa bauat Pitac ay maglalagay n~g isang Oficial at m~ga catulong at manunulat na quinacailan~gan sa madaling paglulutas n~g man~ga usap.

At cun mayari na ang casulatan ay babasahin n~g malacas nito ring cagauad at cun ualang bumati at tumotol ó pag naititic ang ano mang ipacli, ay pagpipirmahanan nang man~ga caharap cun ang pinili ay man~ga catiuala, at cun matandá ang man~ga nahalal ay ang pipilma ay ang man~ga casangcap sa Tribunal lamang.

Cun matapos na ang paghahalal ay tutuusin nang Puno pati nang man~ga tagapagsiyasat at nang cagauad ang man~ga botos at mahahalal ang macalicom nang mahiguit sa calahati. Cun ualang macatipon nang ganito carami ay pagbobotosang muli ang man~ga nagcaroon nang lalong maraming botos hangan matagpoan ang bilang na hinahanap.

Pagtutuluyan ang pagpili sa man~ga matanda ó catiuala, at sa bagay na ito ay lalapit na isá-isá sa Tribunal, nan~gun~guna ang man~ga marunong bumasa at sumulat at sasambitin ang pan~galan nang man~ga tauong napipili na isusulat nang cagauad sa harap nang napili sa isang talaang natatalaga.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap