United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong gamot na ito,i, totoong tapang. Caya hindi sucat ibigay sa man~ga mahihinang tauo. Ang calahating dacot nang baua,t, isang damo, na aquing sinabi na sa número 9, at ang timbang isang salaping sabón sa castila, na cacayurin muna nang sundang, ay ibababad sa dalauang tagayang tubig na mainit na may casamang alac sa misa, ga isang taza carami. Saca sinasala sa sinamay at pinipiga nang malacas.
Ang gagauin lamang doon ay cacayurin nang sundang ang ibabao nang balat. Saca aalisin naman ang dagta, bago ibilad sa arauan nang ilang oras calauon, at bayuhing para nang guinagaua sa quina. Ang timbang isang salaping balat nang dita gagauin ding ualong bahagui, at ang isang bahagui ay isang inom.