United States or American Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagugunam-gunam na nasa sapiling ang cabubuliran na calaguimlaguim, at may pan~ganib pang doo,i, mahulog din cun ang hinin~ga niya,i, biglang makitil. Caya n~ga,t, ang luha niyang pumupulas ay naguing turing nang parang isang dagat, niyong pagninilay sa pagcapahamac niyong pagcadaya nang Demoniong sucab.
Ang cay Margaritang naguing pamumuhay hapo na sa gapos niyong cahalayan, at di napupuna sa caniyang paanán ang ban~ging malalim na cabubuliran. Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios nang pait, ang man~ga mahalay na lugod, pinaparam yaong pacumbabang handog na capayapaang paconuaring dulot.