United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mula sa pagcabata ay ipinakikipagkasundo n~g magulang ang canyang anac, at sa ganito'y ipinagpapauna ang calahati n~g bigay-kaya ó bugey na ipagcacaloob na ang tawag sa Bisaya ay kalabgayan . Datapwa't cung ang sino man sa magulang n~g lalaki ó babae ay magkulang tungcol sa usapan ay pinarurusahan n~g ayon sa utos at gayon din cung sacaling umayaw ang sino man sa m~ga bata, dahil sa pagsapantahang ang magulan ang nag-udyoc ó humicayat.
Ang sino man ay hindi nacapag aasawa n~g hihigit sa isa, at cung sacaling may ibang kinacasama, ay pinan~gan~ganlang sandil ; datapwa't, sa Bisaya, palibhasa'y malapit sa Mindanaw, ay inuugali n~g iba ang asal n~g camorohan na nag-aasawa n~g dalawa ó tatlo, bucod pa sa m~ga kinacasama. Ang nagbibigay n~g bigay-kaya ó bugey ay ang lalaki, na hindi gaya sa Europa na babae ang nanunungkol nito .
Pagkatapos na pagkayarian ang bigay-kaya ó bugey ay ipinagdidiwan ang pag-aasawa. Ang pagdidiwan namang ito ay naaayon sa kalagayan n~g magaasawa. Ang maginoo kung ibig mag-asawa sa kauri ay nagpapasugo n~g m~ga maharlika ó timawa upang siyang lumakad n~g pag-aasawa niya.
Salita Ng Araw