United States or United Kingdom ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lalong lumiliwanag at nakikita n~g magalíng ang anyô n~g sasakyán. Lumalagay silá sa pag-itan n~g pampáng at natin, ang ipinahiwatig ni Elías na nababalisa. At untiunting binago ang tun~go n~g canyáng bangcâ, na anó pa't sumasagwang patun~go sa Binan~gunan. Nahiwatigan niyá n~g malakíng pan~gin~gilabot na nagbabago namán n~g tumpá ang falúa, samantalang sinisigawan siya n~g isáng tinig.