United States or Palestine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dumapo na silang agad doon sa cahoy na peras, at capua nagsilapág manga damit ay hinubád. Nang cay don Juang maquita yaong si doña María, ang cariquitan at gandá nacasisilao sa matá. Naghubád na capagcuan damit calapating hirang, lumusong na nagtuluyan sa bañong paliguan. Ang guinaua capagdaca nitong príncepeng magsiglá, marahang quinuha niya damit ni doña María.
Niyong oras nang vísperas nang si don Jua'i, ilapág, ang águila ay nangusap ito ang ipinahayag: Dito na quita iiuan ay magtago ca don Juan, nang hindi ca mamalayan nang manga princesang mahal. At mamayang á las cuatro ualang sala't, paririto, mahal na princesang tatló na maliligo sa baño. Di mo bagá naquiquita bañong paliguan nila, may sariling titig-isa at hindi nga magsasama.