United States or Chile ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang dumating ay pabagsác sa pagod na dili hamac, ang ermitaño'i, nangusap sa laquing galit na hauac. Na ang uica bagá niya doon sa ibong águila, baquit icao'i, nahulí pa sa iyong manga familia. Dili bagá iyong unaua itong tunóg nang campana, saan man naroong lupa, ay oouí cayong biglá. Sagót nang águila't saysay panginoon naming mahal, malayo pong pinagmulán caya di nila casabáy.

Anang ermitaño naman sa inyong pag-liliparan, di ninyó natatausán ang reino nang de los Cristal. Ang sagót ngani nang lahat hindi namin natatatap, at malayong di hamac yaong cristalinong ciudad. Umuling nag-uica siya cung husto silang lahat na, ay nagbilang capagdaca uala ang ibong aguila. Ay ano'i, caguin-guinsa sa pag-uusapan nila, siya nangang pagdating na nang ibong haring águila.

Niyong oras nang vísperas nang si don Jua'i, ilapág, ang águila ay nangusap ito ang ipinahayag: Dito na quita iiuan ay magtago ca don Juan, nang hindi ca mamalayan nang manga princesang mahal. At mamayang á las cuatro ualang sala't, paririto, mahal na princesang tatló na maliligo sa baño. Di mo bagá naquiquita bañong paliguan nila, may sariling titig-isa at hindi nga magsasama.