United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Isáng mapanatag na hináharap! ¡Tumutulog na parang patáy! ang sinabi n~g marahan at sacâ tinun~go ang bataláng bató. Nagugupiling ang ciudad, waláng naririn~gig na manacanacâ cung dî ang ugong n~g isang cocheng nagdaraan sa tuláy na cahoy sa ibabaw n~g ilog, na ilinarawan n~g payapang tubig nitó ang sinag n~g buwan.
¡Abá, nacatulog! anáng tía n~g sabing malacás; palibhasa'y bata't waláng anó mang pinanínimdim, tumutulog na parang patáy. Nang lubhâ n~g tahimic ang lahát; nagtindig si María Clara n~g marahan at lumin~gap sa canyáng paligid: námasid ang bataláng bató, ang maliliit na m~ga bálag, na napapaliguan n~g mapangláw na liwanag n~g buwán.