United States or Réunion ? Vote for the TOP Country of the Week !


Napuspos ang ugong n~g m~ga bulungbulun~gan at salisalitaan: n~g magcagayo'y nan~gagsilapit at nan~gagsibati sa binatang si Ibarra ang ilang m~ga tao, at sinabi sa canyá: ¡Sumasainyo cami; huag po ninyóng pansinin ang m~ga iyán! ¿Sinong m~ga "iyan"? ang itinanong na nagtátaca. ¡Iyang m~ga nagsialis at n~g mapan~gilagan ang macapanayam po ninyo!

N~g macababâ na n~g tuláy, tumacbó ang m~ga cabayo't tinun~go ang paseo n~g Sabána . Sa caliwa'y ang fábrica n~g tabaco sa Arroceros, na pinanggagalin~gan n~g malakíng úgong na guinágawa n~g m~ga cigarrera sa pagpucpóc n~g m~ga dahon n~g tabaco. Napan~gitî si Ibarra, sa pagca alaala n~g masangsáng na amóy na iyóng sa tuwíng icalimáng oras n~g hapo'y lumalaganap sa tuláy n~g Barcas at humihilo sa canyá n~g panahóng siyá'y musmós pa. Ang masasayáng m~ga salitâan, ang m~ga catatawanan ang siyáng cahi't hindî niyá sinasadya'y nacapaghatíd sa canyáng guníguní sa nayon n~g Lavapiés, sa Madrid, sampô n~g doo'y m~ga pangliligalig n~g m~ga cigarrera, na totoong nacacapahamac sa sawíng palad na m~ga "guindilla" at iba p

Dahándahán n~ga at matimtiman ang lacad n~g procesióng inaacbayan n~g ugong n~g m~ga bomba at n~g tinig n~g m~ga cantá at músicang tungcol sa religióng ilinalaganap sa impapawid n~g m~ga banda n~g músicang sumusunod sa licurán n~g bawa't carro.

Ang Arao at Buan, ay nagpapaliguid-liguid sa mundo, palaguing nalacad ay di nasinsay sa daang iguinuhit sa canilá nang Dios. Ang man~ga alon sa dagat, ay sacdal nang bagsic, ang inugong ugong ay parang nagn~gan~galit, n~guni pagdating sa guilid ay nan~gan~gayupapa, at di lumalampas sa pasigang iguinuhit sa canila nang Dios.

¡Isáng mapanatag na hináharap! ¡Tumutulog na parang patáy! ang sinabi n~g marahan at sacâ tinun~go ang bataláng bató. Nagugupiling ang ciudad, waláng naririn~gig na manacanacâ cung ang ugong n~g isang cocheng nagdaraan sa tuláy na cahoy sa ibabaw n~g ilog, na ilinarawan n~g payapang tubig nitó ang sinag n~g buwan.

Humipá ang sigua, ang pagbuga nang apuy sa nabucang lupa ay untiunting nauauala; tumiguil ang ugong, at sa loob nang calahating oras ay cumati ang tubig. Si Teodora. ¡Salamat sa Dios at nacaraan na ito! ¡caauaaua si Robinson! ¡Caauaaua ang man~ga hayop! Si Luisa. ¡Totoong malaqui ang pagcagulat nila! Si Carlos. ¿At baquit lumilindol ang lupa? Si Juan.

Punô n~g tao ang patio n~g simbahan: m~ga lalaki't m~ga babae, m~ga bata't m~ga matatanda, taglay ang lalong magagaling na pananamit, na nan~gagcacahalo-halò, pumapasoc at lumalabas sa makikipot na m~ga pintúan. Amóy pólvora, amóy bulaclác, amóy incienso, amóy paban~; pinatatacbó at pinasisigaw ang m~ga babae at pinapagtatawá ang m~ga batâ n~g m~ga bomba, n~g m~ga cohete at n~g m~ga buscapiés. Isáng banda n~g música ang tumútugtog sa tapát n~g convento, isáng banda namán ang naghahatid sa m~ga nan~gan~gatungculan sa bayan, ang m~ga ibáng banda'y naglilibót sa m~ga daang kinalaladlaran at winawagaywayan n~g maraming m~ga bandera. Lumilibang sa panin~gin ang liwanag at cúlay na sarisarì, at sa pangpakinig nama'y m~ga tínig at m~ga úgong. Hindî nagtitiguil ang m~ga campan

"N~g icasiyam na oras n~g gabi n~g araw na icasampô nitóng buwan, araw na sinusundan n~g fiesta, pagcatapos n~g isáng masaráp at saganang hapunang inihandóg sa amin n~g Hermano Mayor, tinakhan naming lahát na m~ga castila't m~ga fraileng na sa convento, ang caaliw-aliw na tugtóg n~g musicang may casabay na nagsisiksicang caramihang tao at n~g úgong n~g m~ga cohete at malalaking bomba, at pinamamatnugutan n~g m~ga guinoo n~g bayan, ang tinutun~go'y ang convento upang cami'y sunduin at ihatíd sa lugar na nahahandâ at iniuucol sa amin at n~g doo'y panoorin namin ang catuwaang palalabasin."

Sarisaring minatamis na m~ga bun~gang cahoy rito ang nan~gacalagay sa m~ga "dulcerang" (lalagyán n~g matamís) cristál na may sarisáring masasayáng cúlay na pinag aayos-áyos n~g dalaga sa isang "mesita" (maliít na mesa), na natátacpan n~g maputing "mantel" na "bordado." Sumisiap sa "pátio" ang m~ga sisiw, cumacacac ang m~ga inahing manóc, humagukhoc ang m~ga baboy, na nan~gaguíguitla sa catuwaan n~g m~ga tao. Nagmamanhic manaog ang m~ga alilang may m~ga daláng doradang "vagilia" (sasisaring bágay na lalagyan n~g pagcaing napapamutihan n~g m~ga dibujong dorado), pilac na m~ga "cubierto" (cuchara, cuchillo at tenedor) dito'y may kinagagalitan dahil sa pagcabasag n~g isang pingan, doo'y pinagtatawanan ang isang babayeng tagabukid; sa lahat n~g daco'y may nan~gag-uutos, nan~gag-uusapan, sumisigaw, nan~gagpipintasan, nangagbabalacbalac, nan~gag-aaliwan ang isa't isá, at pawang caguluhan, ugong, cain~gayán. At ang lahat n~g pagsusumicap na itó at itong lahat na pagpapagal ay dahil sa panauhing kilala ó hindî kilala; ang cadahilana'y n~g pagpakitaan n~g magandang loob ang taong marahil ay hindî pa nakikita cailan mán, at marahil cailan man ay hindî na pakikita pagcatapos; n~g ang tagaibang bayan, ang naglalacbay-bayan, ang caibigan, ang caaway, ang filipino, ang castila, ang dukhâ, ang mayaman ay umalis doon pagcatapos n~g fiestang natutuwa at walang maipintas: hindî man lamang hinihin~ sa canilang cumilala n~g utang na loob, at hindî hinihintay sa m~ga panauhing yaong huwag gumawâ n~g anó mang isasamâ n~g mapagcandiling magcacasambaháy samantalang tinutunaw ó cung matunaw na sa tiyan ang canilang kinain. Ang m~ga mayayáman, ang m~ga nacakita n~g higuit cay sa m~ga ibá, palibhasa'y nan~gaparoon sa Maynil

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap