United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sumagót nga si don Diego aco'i, matanda sa iyo, ang ihulog muna'i, aco, ang lalim nang matantó co. Si don Pedro'i, nagpahayag aco'i, matanda sa lahat, aco ang siyang marapát na sa baló'i, sumiyasat. At capag aquing tinangtáng ang lúbid na iyong tangan, hilahin ninyo pagcuan nang aco'i, mapaibabao. Tinalian nanga siya inahulog capagdaca, tatlong puóng dipa bagá. ang siyang sinapit niya.
Ani don Juan at turing aco ang taliang tambing, at aquing sisiyasatin itóng balóng sacdal dilím. Tinalian capagdaca ang bunsóng capatid nila, sa baló'i, inihulog na nang capatid na dalaua. Ang sa historia ngang saysay na sa balóng calaliman, mahiguit sa isang daan na dipá ang casucatán. Nang siya nga'i, dumating na sa fondo nang balón bagá, ay quinalág capagdaca ang lubid na tali niya.