United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sumagót nga si don Diego aco'i, matanda sa iyo, ang ihulog muna'i, aco, ang lalim nang matantó co. Si don Pedro'i, nagpahayag aco'i, matanda sa lahat, aco ang siyang marapát na sa baló'i, sumiyasat. At capag aquing tinangtáng ang lúbid na iyong tangan, hilahin ninyo pagcuan nang aco'i, mapaibabao. Tinalian nanga siya inahulog capagdaca, tatlong puóng dipa bagá. ang siyang sinapit niya.
Salita Ng Araw