United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinasimulaang guinamit ang apellidong Rizal n~g mag-aral ang batang si Jose, upang siyá'y macaligtas sa mahigpit na pag uusig n~g m~ga fraile sa m~ga nag-aapellidong Mercado. Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sa wicang tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós n~g pinutol na halaman ó damó.
Pinan~galanang Jose, dahil sa ang iná n~g Doctor Rizal ay namimintacasi sa Patriarca San José, at ang pan~galawang pan~galang Protasio ay dahil sa caarawán n~g Santong itó, alinsunod sa calendario, n~g siyá'y ipan~ganác. Hindi dating tagláy n~g amá at n~g m~ga capatíd n~g amá n~g ating Doctor ang apellidong Rizal.
Salita Ng Araw