United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
May kanikaniyang usapan at may kanikaniyang pinagtatalunan. Sa anyo't pagmumukha n~g lahat at bawa't isá sa kanila ay nalalarawan ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan n~g pananabik n~g kanilang m~ga puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig malaman. Doon, sa dako n~g dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita; nan~gaguusap at nagtatatalong mainitan.
Sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot n~g liwanag n~g kumpolkumpol na ilaw sa may panggitnang panig n~g bulwagang wala yatang kasinglaki, kaginsaginsa'y nalin~gapan ni Elsa't ni Tirso, samantalang si Dioni'y sa kaibayong gawi nakamata, ang isang babae't isang lalaking marahil ang isip ay wala sa gayong pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa roon n~g m~ga pangarap ... At ang kanilang anyo't m~ga kilos ay siyang nagpapaakala n~g ganito.
Ang m~ga babae'y may magagandang anyo't kilos, malilinis at, makikisig na lumakad; ang buhok ay maitím mahaba at nakapusód, nan~gakatapi sa baywang n~g kayóng sari-saring kulay at nan~gakabaro n~g walang liig; hindi nagsisipagsuot sa paa, n~guni't, nan~gaghiyas na nagsisipagkuwintás n~g ginto, nagsisipaghikaw at nagsisipagkalombigas.
Salita Ng Araw