United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang caniyang mapagmalas ang cahoy Piedras Platas, ang dahon ay cumiquintáb diquít ay ualang catulad. Ang nasoc sa ala-ala nitong príncipeng magandá, cahoy na caaya-aya hapunán niyong Adarna. Sa puno nang cahoy baga may bató siyang naquita, cristal ang siyang capara nacauiuili sa matá. Doon niya napagmalas ang cahoy na Piedras Platas ang balát ay guintóng uagás anaqui'i, may piedrerías.
Sa mahusay na pag-lacad nitóng príncipeng marilág, sumapit siyang liualas sa cahoy na Piedras Platas. Nang maquita ni don Juan yaong cahoy na malabay, loob niya'i, natiguilan sa gayon ngang cariquitan. Naualá sa ala-ala yaóng bilin sa caniya, parang naencanto siya sa cahoy niyang naquita. Sa caniyang pagmamalas sa dahong nagsisiquintáb, gayon din naman ang lahat na anaqui'i, guintóng uagás.
Salita Ng Araw