United States or Saint Helena, Ascension, and Tristan da Cunha ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang utusang bahay tuinay nagmamasid sa pan~ginoon nilang lihim na nag alit, n~gunit uala namang casabihang titic na di nababali cahit ganong higpit. At may tauo n~ganing matapat na loob pan~ginoon sa galit nan~ga-quiqui-ayos, cung ito'y bigcasan n~g dusta't pag-ayop pagtatangol parang sariling sigalot.

Sa lupa'y alam na't di co man salitin ang pag-hihiualay sa magcasing guilio, lalo cung ang sanhi gaua n~g hilahil gunitain lamang loob hahapuin. Cung ito'y mangyari di sáquit n~g saquit gaya n~g narating sin buhay n~g auit, isa pa ¡ó lasong! ang lumbay ay tipid hindi maitanyag at sa lilim alit.

At cung sacali pa,t, mayroon umayo lalong mag-uulol ang malaquing labo, at ang paimbabao na hinhing palalo ay di na maquita,t, cung saan nagtago. Itong magcapatid alit ang ugali, caya sa dalaua icao ay mamili, nang houag sisihin aco cung sacaling mapalisiya ca sa iyong pagpili.

Sa balac na ito tanda n~g pag-ayon Julieta'y pinutlan ang tinugon tugon, pagcat sa caniya'y gayon ang nagtangol n~g alit na sima n~g siya'i igumon. Ito ang liuay-uay cung baga sa arao n~g pagca-casundong sa puso'y sumilang, n~g dalauang capoua dapat na uliran sa pagsisintahang matibay't dalisay;

N~g ibig sumuco ang loob sa higpit n~g dalauang simang sa puso ay alit, guitna n~g pag-asa at pan~gambang labis nagbuntong hinin~ga't gayari ang sulit: Aniya "¡ó sintang may touá ó lungcot! ang bigay sa daquip n~g lihim mong gapos baquit mo hinirang yaring batang loob lining-lang sa daang masan~ga't masuloc?

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap