United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~g ibig sumuco ang loob sa higpit n~g dalauang simang sa puso ay alit, guitna n~g pag-asa at pan~gambang labis nagbuntong hinin~ga't gayari ang sulit: Aniya "¡ó sintang may touá ó lungcot! ang bigay sa daquip n~g lihim mong gapos baquit mo hinirang yaring batang loob lining-lang sa daang masan~ga't masuloc?
Dito napatiguil at di maisabog n~g loob na hapó sa lumbay n~g moog; n~gunit ang pagsitang daquip n~g may cupcop pag-guiit sa isip tagumpay ang handog.
Pagcat ang pag-asa n~g daquip hilahil siyang tan~ging ilao sa gabing madilim n~g tag-lay na dusa't mapanglao na daing, at cahit cung minsan sa buhay pan~gitil. Ano pa't sa tabing n~g gabi pagsicát n~g masayang arao ang unang banaag sing-ibig tindig na't nagsun~gao sa malas cahit sumandaling humimlay magdamag;