United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung baga sa paghahasik, ang mga isipang naririya'y tinipon ng ating Bayani sa isang sisidlán at isinasabog namán ni Amado, hindi upang aksayahin, kungdi upang itanim at nang tumubo, mamulaklák at mamuñga. May isang mañgañgathang nakabasa na nitong Bulalakaw ng Pag-asa na sa aki'y nagpahiwatig na karamihan pang mga isipan ng kumatha ay hañgo sa ilang isipan ni Rizal, tungkol sa Bayan natin.
Oh! kagalang-galang na matandâ ang aking tugon ang maling akalang aksayahin ang panahón sa paglilibang at ligaliguin ang nan~gatatahimik na hayop sa kanilang himpilan. Ikaw baga'y nag-iisa? Sa n~gayon po; pagka't ako'y napatiwalag sa aking m~ga kasamang hindi ko malaman kung saan nan~gapasuot. Lubhang malayo ang iyong kinapatun~guhan. Anó pong pook ito? ang usisa ko sa kausap.