United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa pangyayaring ito, ay dapat nang mahulaan mo na kahi't abutin tayo roon n~g umaga, ay nalalaan akong hindi magsasawa ni lalayo sa iyong piling. ¿Diyata? ¿At sino ang kapareha mo? ¡Sino pa! Walang iba kundi ang aking mabait at butihing kaibigang nagpahatid sa akin kanina n~g isang mahalagang aginaldo, ang pinakatatan~ging mestisa na kausap ko n~gayon....

At kanyang nakilala na ang m~ga dumarating ay ilang kaibigang kawal n~g panulat, ilang kasamahan sa laran~gan n~g Panitikang Tagalog. ¡Panhik kayo, m~ga kasama! isinalubong ni Tirso sa nagsisirating. ¿May aginaldo bang nakahanda? agad itinanong buhat sa lupa n~g isang singliit ni Paguia. Kahi't wala ay mayroon din ... pan~giting naitugon n~g maybahay na makata.

Higit sa panghihin~gi n~g aginaldo, ang ipinarito nami'y isang paninin~gil, isinambot naman n~g isang singtaba ni Kando. ¡Magbayad ang may utang! isinusog pa n~g malakas tatawang kaboses ni Sauro. ¡Sa ako'y walang utang na dapat pagbayaran! ang tugon n~g makata. ¿Wala? ¿Nasaan ang larawan n~g ating reyna Dorotea? ang tanong pang tila nanunumbat n~g mataba.

Silveira, ang pagkapanhik n~g lahat ay sinabi n~g nakasalaming kamukha ni Tirso, Bagong Taon bukas, at sukat nang mahulaan mo ang bagay na aming ipinagsadya ngayon dito. ¿Ano ang aginaldo namin? ¡Bukas pa pala naman ang Bagong Taon, eh, n~gayon pa'y aginaldo na ang inyong itinatanong! ipinakling natatawa n~g tinukoy.

Salita Ng Araw

pagcalág

Ang iba ay Naghahanap