United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Higit sa panghihin~gi n~g aginaldo, ang ipinarito nami'y isang paninin~gil, isinambot naman n~g isang singtaba ni Kando. ¡Magbayad ang may utang! isinusog pa n~g malakas tatawang kaboses ni Sauro. ¡Sa ako'y walang utang na dapat pagbayaran! ang tugon n~g makata. ¿Wala? ¿Nasaan ang larawan n~g ating reyna Dorotea? ang tanong pang tila nanunumbat n~g mataba.
¿At kung nagiisa man? isinambot n~g mestisang sinundan n~g isang hakbang na papalapit sa kausap. ¿Nahahalayan ka bang makiharap sa akin n~g sarilihan'? idinugtong pang punongpuno n~g lambing. Hindi naman, Elsa ... tan~ging naitugong lipos n~g pagkakimi n~g makatang pinaghaharian n~g kabaklahan.