United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang dalaga'y nag kunwarîng umayon at na pakasal n~gâ dilì ang hindî, n~guni't mulâ rin doón sa Simbahan ay tumanan siyáng patun~go sa bulubundukin, upang hanapin ang dati't túnay niyang kasintahan; at n~g huwág siyáng malapastan~gan n~g m~ga lalaki ay naglagáy sa ulo n~g úban at nanamit n~g tulad sa isáng gusgusing matandâ. Ang dalagang iyán ay ... ¡náitó n~gayón!
Pagkasabi nitó'y agád inalís ang kanyáng balát-kayông úban at ipinakilala ná ang túnay na taginting n~g kanyáng tinig, pinahiran ang marun~gis na mukhâ at daglî n~gâ namang lumitaw ang luníngníng n~g bukáng liwaywáy na maipaparis lamang sa sumilang noóng lalan~gin ang Sangsinukob at n~g lumitáw ang kauná-unahang liwanag.
Salita Ng Araw