United States or Myanmar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Saca ang casama nang lilong Valerio ay pinagsabihan nang dalauang ito, na houag calaga,t, nang upang magbago ang caniyang ugaling higuit sa demonio. Siyang naguing dahil nang pagcacasaquit, pitong bouang halos naratay sa banig: ang nangyaring ito,i, ano,i, nang mabatid nang amaing pari ay naghinanaquit.

Ang caniyang asal, quilos at salita, sampong pag-iisip niya,t, ninanasa, ualang cataasan at budhing cuhila, palibhasa,i, galing sa pusong payapa. Nasa ni Valerio,i, cumitil nang buhay, si Hortensio,i, hindi,t, nagtatangol lamang, di caguinsa-guinsa,i, biglang napipilan yaong may masama,t, budhing tampalasan.

At si Eliseo naman ay gayon din sa lilong Valerio,i, tantong narimarim; na hindi mangyari cahima,t, pilitin ang may asal hayop na gayo,i, guiliuin. CAPÍTULO VI. Ang uliran nang man~ga dalaga. Ugali nang tauong maganda ang asal sa may dalang hapis puso,i, nahahambal, caya si Hortensio,i, tambing napaalam sa nagcacalin~ga. Ganito ang saysay,

Napagtanto mo na, bumabasang liyag ang cay Eliseo na causap-usap, caya naquilala,i, siya ang nagligtas sa lubhang daquila na pagcapahamac. Sapagca,t, ang isang pamangquin nang pari, Valerio ang n~galan ay may panaghili, doon cay Hortensio,t, ang mula at sanhi dahil sa dalagang sa iba,i, natan~gi.

Nahambal ang puso nang pinagsabihan caya,t, cay Hortensio sinabi ang bagay: icao ay lalasunin niyong tampalasan at sa panibugho yata ang dahilan. Dito na lumayo ang ulilang aba sa lilong Valerio hayop ang camuc-ha, talaga nang lan~git at malaquing aua,i, sa cuco nang ganid di napan~ganyaya.

Nang muling magsulit agad naquilalang isa sa canila,i, si Valerio pala; uica,i, houag ninyong iraos ang tica sa cay Eduvigis at cay Esperanza. Agad nahalatang siya,i, tinutuya caya biglang biglang namula ang muc-ha, puñal ay binunot patain ang nasa itong si Hortensiong dating inaaba.

Dito na nag-isip itong alibugha nang cay Hortensiong icapan~ganyaya, hindi nan~gilabot ang sariling diua magnasang lasunin ang caaua-aua. Lihim na sinabi sa cay Eliseo nang may budhing sucab n~gala,i, si Valerio ang lihis na nasang udioc nang demonio pagca,t, malaon nang sila,i, magcatoto.

Saca ang guinaua ay ibinaligtad, tinampal sa muc-ha,t, binayo nang sicad, ang boong cataua,i, binugbog nang hampas; nang di mamihasa sa gauang magsucab. Cung pag-iisip ang tanang guinaua nitong si Valerio sa ulila,t, duc-ha, di man camag-anac tutulo ang luha at acayin din nang gauing maaua.

Cundi co guinayo,i, inaacala co na aco,i, uala na,t, nasa isang mundo; cayo ang magsabi, yamang alam ninyo ang asal na ganid nitong si Valerio. Pari,i, naniuala at lalong minahal ang hindi pamangquin na may cabaitan sapagca,t, minsan ma,i, hindi nadun~gisan bibig ni Hortensio nang cabulaanan.

Ang casama niya,i, dili macaimic, pagca,t, natatantong uala sa matouid, sucab na Valerio ulol ang caparis, at munti ma,i, hindi nabahirang bait. Dinaluhong na n~ga,t, parang inudyocan nang sang infierno itong tampalasan, ang dalauang mata ay binubucalan nang gahasang apuy niyong cagalitan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap