United States or Nauru ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saca ang uinica'y casing minamahal at pan~ginoong cong pinaglilingcuran, humiling nang iyong maibig na bagay at tunay na hindi kita masusuay. Ualang minimithi aco anang Reyna cundi ang icaw ay sumampalataya, sa iisang Dios na tatlong Persona na uala sinomang lalalo pang iba.
Caya't ang uinica'y makipagyari na sa man~ga turco at man~gaco na sila, nang anomang bagay at nang di muli pa na sila'y patayi't yaon ang pan~gamba. Anopa't noon din ay sila'y nag-atas niyong embajadang makikipag-usap, tanang sasabihin ay nang maisaad yaong inutusan pagdaca'y lumacad.
N~guni't siya nama'y tantong nan~gan~ganib na baca ang Hari ay magdalang galit, caya ang uinica'y iyong itahimic Hari, ang loob mo't aco'y mag-iisip. Upang tamuhin mo ang sa pusong nasâ ay lilinin~ging co ang paraang pauâ, anang Hari nama'y icaw ang bahala't tanang cailan~gan ay nang maihanda,